Bulalakaw

8fb1a617651b2c564d0b567c387ef88a
Credits to the artist.

Pagaspas ng hangin sa mga matang nanlalalim

Sa isang gabi, sa isang iglap

Sa pagbagsak ng isang makulay na bulalakaw

Ng isang pangarap, Ng isang ligaw

Sa dulo ng mga labi at ng pusong matagal nang bumitaw.

 

Sumagot sa lumipas na tanong,

Di nagpang-abot  ang sigaw ng pusong  bumulong

Simbilis ng batong umaarangkada sa alapaap

Nag-iwan ng kulay at mga pansamantalang kislap.

 

Sa isang malamig na ihip nakita ang matang nanlalalim

Sumisigaw at naglilihim

Ang mga alaalang kay tagal kinimkim

Naghuhudyat ng di maitatagong damdamin.

 

Para sa kung ano pa ang naiwan

Sa mga salitang buhay at masasayang larawan

O usapan ng nakaraan

Muli nang aasa sa kasaysayan.

 

Isang huling ngiti para sa nakaalis na bulalakaw

Ipahinga ang mga matang nanlalalim

Muling bumulong sa nagpapagaspas na hangin

Hanapin ang isang pusong ligaw.

 

H’wag panghawakan ang mga kislap na naiwan

May isang batong babagsak pa lamang.

(c) JPiedad

4/10/17 4:41pm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s