Salaghati

Mga nahating tibobos sa lilim ng kasaysayan,
hati ng galak at pighati.
Kabaong na ilulubog sa kinilalang himlayan,
tatabunan ng maupasalang lunti.

Antak na di maparisan sa gulod ng katawan,
kapara ng hibo ng medalyang ginintuan.
Kalamas ng ninuno ang mapaglarong kapalaran,
lulunok ng malalim sa pinagpipitagang kuhilan.

Tatayo sa malayo ngunit di magkikibit balikat,
pipilitin hukayin at di matutuldukan.
Pasensya na lolo panahon ng kauslakan,
Hindi pa iisa ang bayang sinilangan.

Bagkus may siyam na tumayo’t kinatigan
Limang hustisyang natilihan,
Hayaan na nga ang progresibong bukas!
Kundi magsalita’y palihim na matotodas.

 

#MarcosBurial #NeverAgain

(c) JP 11/8/2016
7:40pm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s