Kung Ako

Kung ako’y iyong tatanungin
Kung gaano kita kamahal
Mahihirapan ka’t magtatagal
Subukan mong bilangin ang buhangin sa karagatan
Pagtulo ng tubig ulan
Dito iyong malalaman.

Mula sa una nating pagtitinginan, hindi ko malimutan
Sa guhit ng iyong mga labi, tamis ng iyong ngiti
Ako’y nahuhulog sa mahikang di ko mawari.
Kasiyahan sa piling ng isa’t isa, salita’y isasantabi.

Luha ng sakit at saya ating pagsasaluhan
Sa bisig ko wag kang matakot sumandal
Hawakan mo ang aking kamay, iyong tatandaan
Hindi kita iiwan.
Ikaw lang magpakailanman.

Kung ako’y tatanungin
Kung gaano kita kamahal
Sa kumpas ng aking mga kamay
Tinig ng aking musika ay pag-ibig
Dinggin mo aking anghel
Ang mga notang nagsisigaw ng damdamin.

Mga panahong ako’y nag iisa, yakap mo ang pag-asa
Sakit ay iyong pinawi, pinalitan ng ngiti
Mahal ko sa piling ko’y di ka magsasawa
Handang sumugal, wag ka lang mawala

Bawat oras na ika’y kasama
Hiling ay pagtigil ng mundo
Walang sasayanging minuto
Pag magkasama tayo.

Kung ako’y iyong tatanungin
Kung gaano kita kamahal
Wag ka nang malumbay pagka’t hindi magtagagal
Sa Harap ng altar tayo’y magsusumpaan.

———————————

Did this for a friend, poem to woo?

I just think I suck at deep tagalog words. 🙂

Thanks for reading.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s