Paano nga ba magbitaw ng Tamang Desisyon?

Paano nga ba ang tamang pagde-Decide pag pinagbigyan ka na ng tamang pagkakataon?(Moved post from facebook)

Image

Sabi ay magdecide para sa tama. Pero ang totoo ang desisyon na iniisip na tama ay sariling bias lamang.

Sabi magdecide kung saan masaya. Pero sa pipiliin mong desisyon na alam mong masaya ka na, doon e hindi mawawalan ng mga taong ayaw pa rin tanggapin ang mga desisyon mo. Mga nagpapanggap na ayos lang sa kanila ang lahat, ngunit sa kabila ng bawat galaw mo, animo’y palaging nagpapahiwatig ng kung ano ano. Na ayaw nila. Na kahit kailan hindi nila iyon gusto, dahil para sa kanila ang nasa isip nila ang palaging tama.

Ano nga ba ang dapat palaging uunahin?

ang nararamdaman ng mga tao para sa’yo?

– Kasi sabi sa isa sa mga naaral ko pa, tayo ay mga taong may sariling theatrical performance, lahat ng ikinikilos natin lahat ng sinasabi natin ay base sa kung anong gusto ng taong makita. Ang totoong tayo ay nasa backstage, naroon ang totoo nating mga nararamdaman, mga iniisip, mga ninanais gawin.(end ng na aral. XD)

Sabi nila, kasama sa  mga tao ang pagkaplastik. Ang pagkahilig sa sugar coating at chismis. Kaya sa kabilang dako, para maiwasan ng mga tao na madungisan ang pangalan nila kelangan nilang makibagay at makiayon sa daloy ng mga tao. Kelangan mo magdesisyon ayon sa nararamdaman nila. Kasi ayaw mong masira, kasi ayaw mo silang masaktan, kasing ayaw mong madungisan sila, kasi kung ano man ang mga bagay na tinatago mo, sigurado. AYAW nila. Kaya bago ang sarili mo, sila muna, sila para sa ‘ikagaganda’. Ang tanong e.. Ikinasaya mo ba? Sigurado ka bang ayos lang na itago, at hindi magpakatotoo dahil yun ang gusto nila para sa’yo, minsan naiisip ko. Di kaya, nakapang loloko ka na rin? kasi hindi ka totoo? 😀

Ang gusto mong maramdaman ng tao sa’yo, ang totoong nararamdaman mo?

– Gusto mo magdecide base sa nararamdaman mo, para masabi mo na eto ka, na eto yung napili mo para sa sarili mo, na maging ganito ang buhay mo dahil alam mo na makakatulong ito sa’yo. Na sana naintindihan na lang nila kung sino ka, at hindi mo na kelangan pang magbalat kayo at makitago pa sa iba. Na darating yung panahon na tama man o mali, walang sisihan. Walang konsensyahan. Suportahan lang. Dahil ang totoong pagdedesisyon, doon ka makakapulot ng aral, ng mga outcomes na maaring magustuhan o hindi mo magustuhan, dahil dun malalaman mo ang totoong mali, ang totoong ginawa mo. Atleast, nagpakatotoo ka, mali man yan o tama, may TOTOONG aral. Yun nga lang, ano nga ba ang pwedeng isipin ng mga tao? selfish ka. O kaya hindi ka marunong mag isip. Kasi bakit? “Si ano kasi ganito ganyan, sayang ka naman daw.. etc etc.”

Kahit kelan ang isang desisyon at piniling buhay ay hindi magiging sayang. Kahit ano pa ang piliin mo sa dalawa, siguradong may katapat na maganda o pangit. Nasa sa atin kung papaano tayo didiskarte sa buhay, ang pagiging matagumpay ay wala sa estado ng pamumuhay, sa itsura o sa kasarian/seksualidad. Lahat yan ay nasa pag uugali, pag iisip at pag gawa ng mga hakbang para maabot ang isang bagay. Bahala ka na kung sa paraang masama ba yang nasa isip mo o mabuti, basta tandaan mo, SANA walang pagsisi ang nasa puso mo.

___

Ayun..

Minsan ko nang naisip, madalas nangyayari ang mga panahong, gusto mong masabi na lang sa kausap mo. ” Bakit mas mahalaga pa ang iniisip ng ibang tao? kesa sa nararamdaman at iniisip ng sarili mo? sariling damdamin?”

Mapapabuntong hininga ka nalang. Uupo sa harap ng computer, magpapalimot lungkot. Magpapadaan.

kelangan ko pa bang maging iba para lang sumaya sila??

_

Bawat tao may kanya kanyang pagdedesisyon. 🙂

May kanya kanyang mga pananaw ukol sa buhay. Ang mahalaga, wag makakalimot kung saan ka nanggaling, kung sino ang mga umaagapay sa’yo, at ang Diyos na nasa sa’yo.

Kelangan na lang sa bawat tao ay marunong tumanggap. Umintindi.

Kasi yan din ang kelangan ng bawat tao, hindi lang ako, hindi lang ikaw na nagbabasa, kundi lahat ng mga nasa paligid mo.

Ang pagbitaw ng isang desisyon ay pagbitaw ng isang bloke ng daan tungo sa balak mong puntahan. Kaya kung ano man yan, galingan mo. patunayan mo.ü

-End-

Advertisements

One thought on “Paano nga ba magbitaw ng Tamang Desisyon?

  1. Gusto ko tlga yung pagkakasabi nyo at pagkakaintindi sa kung pano ba gumawa ng isang desisyon nasa atin talaga kung paano naten ito haharapin o paano gagawin walang maling desisyon .. nasa sayo lang kung paano mo i-handle ang mga bagay na ginagawa mo.
    Nagkaroon ako ng lakas ng loob para mgdesisyon ng sarili ko lang
    maraming salamat na din sa sinabi nyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s